|
Title: DX Man Season 1 Episode 11 Year 5 Part 1 of 4 View count: 404 Rating: 2.3333333 (3 ratings) Description: IGLESIA NI MANALO LEKSIYON BLG. 5 Ang Kasaysayan ng Iglesiang Itinayo ni Cristo noong Unang Siglo Paksa: Ang dahilan kung bakit ang kinagisnan natiy ang Iglesia Katolika at hindi ang Iglesia ni Cristo Ano ang dahilang binabanggit ng iglesia ni Manalo kung bakit sinasabi nilang ang kinagisnang iglesia raw natiy ang Iglesia Katolika at hindi ang iglesia nila? Ayon sa kanilang Pasugo, Abril 1967, Pahina 38 Alam ng Panginoong Diyos na ang unang Iglesia ay mawawasak. Ang Kanyang Pastor (si Cristo, ang Pastor (Juan 10:11) na pinatay) o sinaktan. Bunga ng kamatayang sinapit ni Cristo, nangalat ang Kanyang mga tupa o mga alagad (Gawa 8:1). Dito sa mga nagsipangalat, ang ibay ibabaling ang kanilang mga tainga sa mga hidwang pananampalataya, kaya silay mangahihiwalay. Ang pinakapunto nila kung bakit ang ICAR, di umano ang iglesiang atin nang kinagisnan ay sa dahilang namatay daw ang Panginoong Jesucristo. At ang naging bunga naman daw doon sa mga nangalat na tupa ibinalang nila ang kanilang tainga sa katha. Ngunit hindi dito nagtatapos ang kanilang pangangatuwiran na wala sa katuwiran Ginamit nilang batayan ang Gawa 8:1. Ang tanong Lalapat naman kaya ang talatang ito sa kanilang pagpapaliwanag? Ito ang nakasaad sa Gawa 8:1 At si Saulo ay sumangayon sa kaniyang pagkamatay. At nang araw na yao'y nangyari ang isang malaking paguusig laban sa iglesia na nasa Jerusalem; at silang lahat ay nagsipangalat sa lahat ng mga dako ng Judea at Samaria, maliban na sa mga apostol. Paano nila ginagamit ang talatang ito upang ilihis sa katotohanan ang mga tao? Ito ang punto na dapat mapansin Dahil daw namatay ang Pastor. Tapos Gawa 8:1 nangalat daw ang mga tupa. Sa talatang ito (Gawa 8:1) iyong Pastor ba ang tinutukoy na namatay? Kung itutuloy ang pagbabasa sa sitas, malalaman kung sino ang namatay Gawa 8:2 At inilibing si Esteban ng mga taong masipag sa kabanalan, at siya'y tinangisan ng di kawasa. Napakaliwanag hindi ang Pastor ang tinutukoy dito na namatay. Pansinin: Mali ang gamit nila ng talata sa Biblia! Hindi lumalapat sa kanilang paliwanag. Ikalawang punto Bukod sa kanilang malaking pandaraya sa mga tao, hindi pa sinusuportahan ng Biblia ang kanilang paksa na Ang dahilan kung bakit ang kinagisnan natiy ang Iglesia Katolika at hindi ang Iglesia ni Cristo Sapagkat kung pag-uusapan ay ang tunay na Iglesiang Dios ang may tatag, hindi kailanman iyon matatalikod. Mateo 16:18 At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya. Kahit nga ang mga pintuan ng hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya. Paanong itinalikod ito ng Iglesia Katolika? Walang puwersa sa lupa na maaaring magtalikod sa Iglesiang tayo ng Dios! Kung susundan natin ang kanilang pangangatuwiran, lumalabas ang iglesia nilay hindi ang iglesiang Dios ang may-ari; dahil iyon ay naitalikod ng mga tao na kung saan pinagbintangan nila ang mga Katoliko di umanoy ang nagtalikod Tags: angdatingdaan, broelisoriano, mapaladangbumabasa, bosesnimanalo, iglesianimanalo, x-man, anniversary, manalo, marcos, Author: DXManTV |